upload
The Economist Newspaper Ltd
Industry: Economy; Printing & publishing
Number of terms: 15233
Number of blossaries: 1
Company Profile:
Ang ekonomiya na sumusubok upang baguhin ang mundo sa pamamagitan ng pagmumungkahi ng mga patakaran para sa pagtaas ng kalagayan ng ekonomiya. Ang kasalungat ay ang positibong ekonomiya, kung saan ang sinusubukang ilarawan ang mundo kung ano ito, sa halip na mag-atas ng mga paraan upang maging mas mabuti ito.
Industry:Economy
Kapag ang katamtamang sahod ay tumaas, ang pangangailangan sa karaniwan o normal na kalakal ay tataas din. Ang kasalungat ay ang mahinang klase ng kalakal.
Industry:Economy
Sinusubukang manalo sa negosyo mula sa katunggali sa halip na sumingil ng mas mababang halaga. Pamamamaraan kabilang na ang patalastas, bahagyang pag-iiba ng iyong produkto, pagpapabuti ng kalidad, o pag-aalok ng mga libreng pabuya o diskwento sa mga susunod na pagbili. Walang halagang paligsahan ay ang pinaka-karaniwan kapag may oligopolyo, marahil dahilan sa makapagbibigay ito ng pananaw sa matinding tunggalian habang ang mga kumpanya ay tunay na nagsasabwatan upang mapanatili ang mataas na halaga.
Industry:Economy
takigrapya para sa alinmang bagay na nalikha, naipon o ginastos sa bansa (tingnan ang GDP at GNP).
Industry:Economy
Ang kabuuang tanyag na panghihiram ng pamahalaan ng bansa (karaniwang kabilang ang pambansa at lokal na pamahalaan). Ito ay kadalasang inilalarawan bilang pabigay, kahit na ang publikong utang ay mayroong ekonomikong benepisyo (tingnan ang balanseng badyet, patakarang piskal at ginintuang patakaran). Walang alinlangan, ang utang na natamo ng isang henerasyon ay maaaring maging mabigat na suliranin para sa mga susunog pang henerasyon, lalo't higit kapag ang perang hiniram ay hindi ginamit ng tama. Ang pambansang utang ay ang kabuuan ng lahat ng pera na itinaas ng pamahalaan na kinakailangang mabayaran; ito ay kakaiba mula sa taunang pampublikong sekto na kakapusan sa badyet. Noong 1999, Ang pamahalaan ng Amerika ay nagdiwang ng malaking labis na badget, ngunit ang bansa ay mayroon paring pambansang utang na halos katumbas ng kalahati ng GDP nito.
Industry:Economy
Ang bunga ng gawaing pang-ekonomiya; anuman ang nilikha sa pamamagitan ng paggamit ng mga salik ng produksiyon.
Industry:Economy
Ang halaga ng anumang ipinahiyag para sa pera sa araw na iyon. Dahil sa ang pagpapalabas ng labis na pera ay nangangahulugan na ang pera ay maaaring mawala ang halaga nito sa paglipas ng panahon, ang mababang salapi ay maaaring makalinlang kapag ginamit upang ihambing ang mga halaga sa makakaibang panahon. Mas makabubuti kung ihahambing ang kanilang tunay na halaga, sa pamamagitan ng pag-urong ng mababang salapi upang tanggalin ang kabuktutan sa pagpapalabas ng labis na salapi.
Industry:Economy
Ang ika-anim na taong papremyo ay itinatag sa pag-alaala kay Alfred Nobel. Sa mahigpit na pananalita, ito ay hindi ganap na nasimulang papremyong Nobel, dahil hindi ito nabanggit sa habilin ni Nobel,di gaya ng limang mga papremyo na itinatag noong una para sa kapayapaan,panitikan, medisina, kimika at pisika. Ang titulong paring pinagpipitagang Nobel at $1m pabuya ay ginaganap bawat taon ng bangko sentral ng Sweden upang maging napahalagang panalo. Simula noong 1969, nang ang pinaka-unang mga nanalo (pinagsama) ay tinawag sa Norwega at Olanda, ito ay karaniwang napanalunan ng mga ekonomista ng Amerika, marami sa kanila ay mula sa paaralan ng Chicago.
Industry:Economy
Isa sa dalawang uri ng pagbagsak ng merkado ay madalas nauugnay sa probisyon ng pagseseguro. Ang isa pa ay ang salungat na pagpili. Ang moral na balakid ay nangangahulugan na ang mga tao na may kaseguruhan ay maaaring tumanggap ng mas malaking panganib sa halip na gumawa sila ng wala ito dahil alam nila na protektado sila, kaya ang nagbibigay ng kaseguruhan ay maaaring tumanggap ng marami kahilingan kaysa sa ibaratilyo ito. (Tingnan din ang mga deposito sa pagseseguro, nagpapahiram ng huling kailangan, IMF at bangkong Pandaigdig .
Industry:Economy
Ang merkado na pinangungunahan ng nag-iisang mamimili. Ang monopsonista ay mag kapangyarihan sa merkado upang magtakda ng presyo o anumang binibili nito (mula sa mga hilaw na materyales at trabaho). Sa ilalim ng perpektong paligsahan, sa kasalungat, walang indibidwal na mamimili ay sapat na malaki upang makaapekto sa presyo ng kahit ano sa merkado.
Industry:Economy